Sana May Poverty Leave

Lunes (Pananampalataya)

“Isang kilong bigas po”
Ito ang aking lakas-loob na binigkas
Habang hawak-hawak ng palad ko
Ang tatlong baryang tig-sampung piso.

‘Yun na kasi ang huli
Wala na akong naisubi
Binaligtad ko na lahat ng aking bulsa
Puro barya na lang talaga ang natira kong pera.

Isang kilong bigas
Hindi ko alam kung kakasya ba ito hanggang sa susunod na bukas;
Paano ko ba ito tatansyahin?
Ilang gatang kada saing ang kayang kainin?

Isa ba, dalawa o tatlo?
Okay kaya ‘yun sa amin ng pamilya ko?
Tansyahin ko na lang kaya kada subo
Kailangan kumapit, ang tagal naman kasi ng sweldo.

Huwebes (Pag-asa)

“Kuya, tatlong isaw nga po”
Kasalanan ‘to ng Instagram post ng kaibigan ko
Gutom na nga, tinakam pa ako
Pero pwede na rin, laman tiyan din ito.

Buti na lang at limang piso lang ‘to isa
Pwede nang ulam, toyo lang, malasa na
O ‘di kaya’y hihimay-himayin ko’t bubuhusan ng suka
Ayos na’t medyo magaan sa bulsa.

Tatlong pirasong isaw
Pwede kaya ‘tong tanghalian araw-araw?
Masarap naman at saka mukang matipid,
Sigurado akong kulo ng t’yan ko’y matatawid

Isang linggo kong pinagkasya ‘yung laman ng aking alkansya
Buti nalang naisipan kong mag-ipon miski pabarya-barya
Pero a-diyes ngayon, siguradong may sweldo
Mamaya masilip nga, kung may laman na ‘yung BDO.

Biyernes (Pag-ibig)

Hindi ko alam kung bakit lagi na kitang naiisip
Wala ka namang ibinabalik na ngiti, kahit man lang sa panaginip;
Iginuguhit ko ang iyong anyo sa bawat nadaraanang ulap
Natatanaw na kita tuwing ako’y tititig sa alapaap.

Naiisip ko na lahat ng lugar na ating pupuntahan
Ang paghahabulan natin sa dalampasigan,
Ang pagsisikap nating makaakyat ng kabundukan
At ang paghiga nating magkahawak ang mga kamay sa ilalim ng kalawakan.

Daig ko pa ang kinikilig na dalagita
sa tuwing dumadaan sa kanyang harapan at lilingunin ng kanyang sinisinta;
Napapatitig na lamang ako sa malayo’t bubuntung-hininga
Iba na talaga itong pag-ibig na nadarama.

Isang linggo kang naglaro nang paulit-ulit sa aking gunita
Pero ngayo’y makikita’t mahahawakan na kita;
Hindi man ako pinatulog ng puyat, gutom at kalam ng sikmura
Minamahal kong sweldo, sobrang saya kong makapiling ka.

saranggola-336x280


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s